Hindi itinuturing ng Pilipinas ang China na banta sa pambansang seguridad ngunit labis na babahala sa presensiya ng bombers nito sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea (South China Sea), sinabi ng Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na babanggitin ng gobyerno ang isyu sa susunod na bilateral dialogue kasama ang China.

“We take note of the reports that appeared and we express our serious concerns anew on its impact on constructive efforts to maintain peace and stability in the region,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo.

Binigyang-diin din ni Roque ang deklarasyon kamakailan ng mga lider ng Southeast Asia kaugnay sa “importance of non-militarization and self-restraint in the conduct of activities that could further complicate the situation in the West Philippine Sea.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniulat kamakailan na nagpadala ang Chinese air force ng nuclear-capable bombers sa South China Sea bilang bahagi ng training exercises sa pinagtatalunang rehiyon. Nilalayon ng huling air exercises “to reach all territory, conduct strikes at any time and strike in all directions’,” iniulat na sinabi ng Beijing.

Sa kabila nito, hindi itinuturing ng Pilipinas na banta sa national security ang China dahil sa magandang relasyon ng dalawang bansa sa ngayon, ayon kay Roque.

“The President does not see any immediate threat,” aniya. “We do not consider China to be a threat to our security right now because of our new found friendship with China.”

Gayunman, sinabi ni Roque na babanggitin nila ang pagpapadala ng Chinese bombers sa bilateral consultation meeting (BCM) ng dalawang bansa sa Hunyo. “We will bring this issue again in the bilateral mechanism that we have agreed upon with China,” aniya.

Mahigit na nakabantay ang Department of Foreign Affairs sa mga kaganapan.

“We are taking the appropriate diplomatic action necessary to protect our claims and will continue to do so in the future,” saad sa pahayag ng DFA.

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito tatalikuran ang kanyang mandato na protektahan at depensahan ang integridad ng ating bansa sa gitna ng mga ulat ng militarisasyon ng China sa WPS.

Ito ang pinanindigan ni AFP Spokesman Marine Colonel Edgard Arevalo sa isang panayam.

“There are other things we are doing which we cannot tell you because these are operational matters but to assure our public Your Armed Forces will never renege in its constitutional mandate to protect and defend the integrity of our country,” ani Arevalo.

-GENALYN D. KABILING, ROY C. MABASA at FRANCIS T. WAKEFIELD