Muling iginiit ni Pangulong Duterte na ibibigay niya sa mga katutubo ng Boracay sa Malay, Aklan ang isla kapag natapos na ang anim na buwang rehabilitasyon dito.
S a kanyang s p e e c h s a groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines- Philippine National Police (AFP-PNP) housing project sa Barangay Dos Hermanas, Talisay City, Negros Occidental nitong Linggo ng hapon, tiniyak ng Pangulo na nais niyang matuloy ang land reform sa isla.
Aniya, nakausap niya si dating Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo at sinabi umano nito na hindi nito maalala na lumagda ito sa presidential proclamation na naghahati sa lupain ng Boracay bilang agricultural at forest land.
Nais, aniya, nito na lumago pa ang forestal area sa Boracay ngunit ibibigay niya sa mga katutubong residente ang ibang bahagi ng isla sa tulong ng land reform program upang magkaroon din ang mga ito ng ari-arian.
Hihilingin din ng Pangulo ang tulong ng Kongreso upang mabigyan n g pondo ang pagpapalawak ng land reform sa isla.
“I will ask money from Congress to expand the land reform area,” ani Duterte.
-Beth Camia