MAY kasunduan si dating U.S. President Barack Obama at asawang si Michelle Obama sa Netflix Inc. para mag-produce ng mga pelikula at serye, pahayag ng streaming service nitong Lunes, na magsisilbing daan para mabigyan ang dating first couple ng kapangyarihan at malakas at kakaibang platform upang hubugin ang kanilang post-White House legacy.

Michelle at Barack

Sa ilalim ng pangalang Higher Ground Productions, mayroong pagkakataon ang Obamas na mag-produce ng scripted at unscripted series, documentaries at feature films, ayon sa pahayag ng Netflix.

Magkakaroon ng hands-on involvement ang mga Obama sa pagpo-produce ng content at personal na lalabas sa ilang show.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Hindi naman isiniwalat ang terms ng multi-year deal at ang unang programming ay inaasahang mapapanood ng viewers hanggang Mayo 2019.

Binanggit ng Netflix chief content officer na si Ted Sarandos sa isang pahayag na ang mga Obama ay “uniquely positioned to discover and highlight stories of people who make a difference in their communities and strive to change the world for the better.”

Ang deal ng mga Obama ay hudyat din ng isa sa pinakamalalaking coups para sa Netflix, sa paghahatid ng top-level talent na malayo sa tradisyunal na Hollywood studios at television networks.

-Reuters