Inaresto na ng Saudi Arabian authorities ang 22-anyos na Arabong sumaksak sa isang Pilipino sa loob ng isang ospital sa Medinah nitong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Si Rolando Mina, 29, emergency room nurse mula sa Caloocan City, ay inatake at ilang beses na sinaksak ng Saudi national nitong Huweves ng hapon sa hindi malamang dahilan.

Sinabi ng DFA, na nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang hindi pa pinapangalanang suspek. Kaagad namang nagpadala ang Philippine Consulate General ng case officers sa Medinah para umayuda kay Mina at makipagkoordinasyon sa mga lokal na awtoridad na may hawak ng kaso.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na ligtas na rin sa panganib si Mina at nagpapagaling sa ospital.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, bigla na lamang nilapitan at pinagsasaksak ng Arabong health worker ang Pinoy nurse. Nagalit umano ang suspek nang tumanggi si Mina na bigyan siya ng gamot dahil kailangan muna ng reseta ng doktor.

Nangako ng ayuda ang pamunuan ng ospital para kay Mina, kabilang na ang pagbibigay ng kanyang suweldo habang nagpapagaling.

-Bella Gamotea at Roy Mabasa