KUALA LUMPUR (Reuters) – Nagbigay kahapon ng emosyonal na salaysay ang pinuno ng anti-graft commission ng Malaysia kung paano siya brinaso at tinakot noong 2015 habang iniimbestigahan ang 1MDB state fund, at sinabi na sa isang okasyon isang bala ang ipinadala sa kanyang tirahan.

Nagsalita si Shukri Abdull matapos dumating si dating prime minister Najib Razak sa headquarters ng Malaysian Anti-Corruption Commission (MACC), na pinagpapaliwanag siya sa kahina-hinalangpaglipat ng $10.6 milyon sa kanyang bank account.

Sinabi ni Shukri sa news conference na ipinatawag niya si Najib sa ahensiya para magbigay ng pahayag, at hindi para arestuhin o kasuhan ito.

“We had our own intelligence sources, that I would be arrested and locked up, because I was accused as being part of a conspiracy to bring down the government,” ani Shukri sa news conference, at bahagyang napaluha sa opening remarks.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“We wanted to bring back money that was stolen back to our country. Instead we were accused of bringing down the country, we were accused of being traitors.”