Ilang araw bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, muling nagpaalala ang consumer at environmental protection group sa mga awtoridad na paigtingin pa ang pagbabantay sa mga ibinebentang school supplies.
Ito ay matapos na masuri ang mapanganib na kemikal na lead sa ilang ibinebentang school bags, sa apat na tindahan sa Caloocan City, makaraang idaan sa portable X-ray Fluorescence device.
Nakaaapekto sa utak ng bata ang pagkakalantad sa lead, ayon sa mga pag-aaral.
Ibinebenta ng P130-P309 ang bawat isang bag na walang impomasyon ng kumpanyang gumawa, at ng mga kemikal na ginamit sa paggawa ng bag.
Sa walong school bags na dumaan sa x-ray, anim ang nasuring may lead na nasa 679- 3,588 parts per million (ppm).
“For our children’s health, we need to get rid of all preventable sources of childhood exposure to lead, including lead-tainted consumer products such as school supplies and toys,” anang EcoWaste Coalition.
-Chito A. Chavez