INAKALA naming nagbibiro lang si Karla Estrada nang una niyang banggitin sa amin sa concert presscon niya noong 2016 na gusto niyang gumanap na super heroine sa pelikula. Kaya tinanong namin kung ano ang naiisip niyang titulo na agad niyang sinagot ng, “Barna!”

Obviously, spoof ng Darna ni Angel Locsin.Pinagbigyan siya ng Star Cinema dahil isinama siya sa pelikula ni Vice Ganda na Gandarrappido: The Revenger Squad bilang si Peppa/Barna.Pero hindi pa pala natapos doon ang pangarap ng ina ni Daniel Padilla at isa sa hosts ng Magandang Buhay ng Dos dahil magiging solong bida na si Barna.“Pero hindi pa this year dahil kasi siyempre dapat maunang ipalabas ang movie ni Liza (Soberano) bilang si Darna. Kasi siyempre may mga spoof si Barna, di ba? Kaya hindi ako puwedeng mauna. Si Darna muna, so mga 2019 pa,” saad ng aktres nang makatsikahan namin sa set visit ng pelikulang Familia BlandINA mula sa Arctic Sky Productions at Star Cinema.Pero hindi lang si Barna ang tagapagtanggol ng mga naaapi, nangyayari rin ito sa tunay na buhay lalo na laban sa bashers nina Daniel at Kathryn Bernardo.
“Ang bashers ng KathNiel ay bashers ko rin. Alam n’yo hindi kasi talaga ako nakikipagaway dito (cellphone) kasi gusto ko talaga hanapin ‘yung bahay (ng bashers) ‘tapos abangan sila sa labas ng bahay. Kilala naman ako, di ba, noong araw pa gusto ko harapan tayo,” kahit nakangiti at nagbibiro, may laman na pahayag ni Karla.
Ang pinakaayaw ng nanay ni DJ ay ‘yung bashers na below the belt na ang paninira.“Actually, ‘yung mga bastos na talaga. ‘Yung ginagawan mo na ng picture si Daniel na hawak ‘yung… alam n’yo na, mga ganu’ng kababuyan. ‘Yung nag-i-effort talaga na gumawa ng ganu’n ‘tapos ipino-post.
“But nothing against sa mga kaibigan nating mga bakla, ha, pero alam mo kinukutsa rin nila ang mga bading sa mga ginagawa nila. So, nakakabuwisit hindi lang kay Daniel pati na rin sa mga kaibigan kong gay, kasi masakit din ‘yun, eh. Ginagawa nilang katatawanan. Bastusan na.
“Kaya “pag ganu’n hinahanap ko talaga (netizen). Kadalasan naman naka-private, eh. Itlog (profile) lang ‘yung kaaway mo. Wala man lang picture. Eh, minsan may mga malalakas ang loob na talagang nagpapakita.
“Kapag ganu’n, nagpi-PM (private message) ako, ‘magkita na lang tayo o di kaya pumunta ka dito, ikaw pumunta dito sa bahay kung ayaw mong malaman ko ang bahay mo’. ‘Yung mga ganu’n. Action star din naman ang mother. ‘Tapos biglang nagpa-private. Nagtatago agad sa saya ng nanay niya,” kuwento ni Karla.
Anyway, curious kami kung bakit Familia BlandINA ang titulo ng pelikulang ginagawa ni Karla kasama sina Jobert Austria, Marco Gallo, Xia Vigor, Marissa Delgado, Buboy Garovillo, Twinkel sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.
“Eh, kasi (sa istorya) lahat ng mga anak ko blonde kasi ako nakapag-asawa ng puti, ‘tapos si Jobert asawa niya puti rin. Pareho kaming namatayan ng asawa ‘tapos naging kami, ‘yung mga anak namin puro blonde na pinauwi namin dito sa Pinas, hayun, riot na kasi hindi sila sanay sa buhay-probinsiya dahil walang Wifi at kung anu-ano pa,” kuwento ng aktres.Plano ng Arctic Sky Productions producer na si Dennis Aguirre na gawin itong franchise kapag nag-click.
“Di ba ang Tanging Ina, kay Ai Ai delas Alas iyon, ang Kimmy Dora is for Uge (Eugene Domingo), so itong Familia BlandINA is for Karla, ganu’n sana ang plano ko at Star Cinema ang distributor ko sa lahat,” katwiran ni Dennis na opthalmologist by profession.Naikuwento rin ni Karla na may cameo role ang KathNiel sa Familia BlandINA na labis niyang ikinahagulgol dahil pinag-uusapan na ng dalawa ang kasal.“Masyado pa kasing maaga,” katwiran ni Karla, mga bata pa sila, 23 lang si DJ, sabi ko sa kanya 35 years old na siya magpakasal para talagang handang-handa na siya, para sa akin iyon. Pero siyempre, siya pa rin naman ang masusunod, di ba?”Pero boto na ba siya kay Kathryn?
“Ay, oo naman! Hindi kasi kilala ng lahat si Kathryn, tahimik lang kasi ‘yun so akala ng iba suplada o snobbish, pero ang totoo, sobrang kulit no’n, maingay. Saka magugustuhan ba siya ni Daniel kung hindi maganda ugali niya, eh, si DJ pa?”Samantala, kung may panahon si Daniel sa susunod na taon ay mag-aaral daw ito ng filmmaking.
-Reggee Bonoan