TINIYAK ni Filipino Jaysever Abcede na hindi siya muling matatalo sa hometown decision nang talunin niya via 2nd round knockout si Yutthana Kaensa upang agawin ang WBA Asia flyweight title nitong Biyernes ng gabi sa campus ng Thonburi University sa Nong Khaem District, Bangkok, Thailand.

“A heavy underdog, Jaysever Abcede came-in swinging damaging combinations to the head and body of the highly-rated Thai fighter, rocking him to the canvas on the edge of the ring in agonizing pain prompting veteran Thai thirdman Chalerm Prayadsab to administer the full 10-second count for an effective KO in round 2,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo si Abcede sa Bangkok dahil pinatulog niya sa 3rd round si dating world rated Wicha Phulaikhao noong Agosto 21, 2015 para matamo ang bakanteng WBO Oriental minimumweight title.

Ngunit sa unang depensa ni Abcede na ginanap sa karatig bansa ng Thailand na Laos noong Oktubre 30, 2015, tinalo siya ni Panya Prabadsri sa puntos kaya naagaw ang WBO title at world rankings.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napaganda ni Abcede ang kanyang kartada sa 16-8-0 na may 11 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Kaensa sa 19 panalo, 2 talo na may pitong pagwawagi sa knockouts.

Sa pagwawagi, tiyak na papasok siya sa WBA rankings dahil nakalistang No. 7 si Kaensa kay bagong WBA flyweight champion Artem Dalakian ng Ukraine na tumalo kay Filipino American Brian Viloria kamakailan. (Gilbert Espeña)