Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Rain or Shine vs. Globalport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:45 n.g. -- Barangay Ginebra vs. Phoenix

MAKUHA ang solong pamumuno ang hangad ng Rain or Shine sa pagtutuos sa Globalport ngayong hapon sa unang laro ng nakatakdang double header, sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang kasalo ng Elasto Painters ang Katropa sa pangingibabaw, hawak ang parehas na barahang 4-1, panalo-talo.

Huli nilang ginapi ang defending champion na San Miguel Beer noong nakaraang Mayo 13 sa Ynares Sports Center sa Antipolo City, 123-119.

Magtutuos ang Rain or Shine at ang Globalport ganap na 4:30 ng hapon na susundan ng tapatan ng crowd favorite Barangay Ginebra at Phoenix, bandang 6:45 ng gabi.

Para sa Elasto Painters malaking morale boosting win ang nasabing tagumpay nila kontra Beermen.

“Sobrang malaking bagay para sa amin na manalo against a powerhouse team na gaya ng San Miguel, “ pahayag ni ROS big man Raymund Almazan.

“It only proves na kaya naming makipag compete sa kahit na sinong team in this league, “ aniya.

Sa panig naman ng Batang Pier, magtatangka itong masungkit ang ikaapat na panalo upang umangat sa kasalukuyang kinalalagyang ikatlong puwesto kasalo ng Meralco sa barahang 3-2.