Ni NORA CALDERON

MASAYANG sinalubong ang 20-year old nang si Paul Salas ng executives ng GMA Network sa kanyang pagbabalik.

Sa GMA-7 nagsimula ang career ni Paul noong 2004, nang sumali siya at naging isa sa finalists ng Starstruck Kids ka-batch sina Bea Binene at Miguel Tanfelix. After four years sa GMA, lumipat siya sa ABS-CBN at naging talent ng Star Magic.

After ten years, nag-decide siyang bumalik sa GMA-7.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matagal pala itong pinag-isipan ni Paul, at nang mabuo niya ang desisyon, kinausap niya ang amang si Jim Salas, na dating member ng Universal Motion Dancers (UMD), nag-decide silang kausapin si Perry Lansigan ng PPL Entertainment talent management agency at nagpatulong na makabalik sa GMA Network.

Nakatulong sa pagdidesisyon ni Paul na si Perry ang manager ng relatives niyang sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap, Carlo Gonzales at ni Rochelle Pangilinan (wife ni Arthur). Pinsan nila ang mommy ni Paul.

Masaya si Paul na muli niyang makakasama sina Bea at Miguel na nakita niya sa Bruno Mars concert at tinanong siya kung lilipat nga siya sa GMA. Hindi siya nakasagot noon, kasi hindi pa buo ang kanyang desisyon.

Si Mika dela Cruz ang naka-love team ni Paul sa Dos at pareho na silang talent ng PPL Entertainment ngayon. Sabi nga raw ni Mika na lilipat pala si Paul, hindi pa sila nagsabay. One year na si Mika sa GMA at nakagawa na ng isang teleserye at nakapag-guest na sa mga show ng Siyete.

Anong projects ang gustong gawin ni Paul?

“Gusto ko pong makagawa ng teleserye at kahit anong role ang ibigay nila sa akin, gagawin ko ang best ko sa pagtitiwala nila sa akin,” sagot ng binata. “Maayos po naman kaming nagpaalam sa ABS-CBN, graceful exit po naman ako sa kanila.”

Sino ang gusto niyang makatambal sakaling magkaroon siya ng bagong teleserye sa GMA?

“Nakilala ko po si Kyline Alcantara noong nasa ABS-CBN pa siya, na-meet ko siya sa Star Magic Ball, mabait na bata at mahusay. At sana ay makasama ko siya sa isang project na gagawin ko sa GMA.”