ILANG araw matapos magpahiwatig ng kagustuhang pagbabago sa kanilang kasalukuyang line-up, isinagawa ng NLEX ang nais nilang mangyari.

Mismong si Road Warriors coach Yeng Guiao ang nagpahayag ng isinagawa nilang hakbang sa kanilang Twitter account.

Sa isang post, inihayag ng Road Warriors ang kagustuhang makuha ang serbisyo ng big man ng Blackwater na si Dave Marcelo kapalit ng kanilang slotman na si Rabeh Al-Hussaini.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“A trade proposal has been submitted to the @pbaconnect for approval involving Rabeh Al-Hussaini for @BWEliteForce‘s Dave Marcelo,” nakasaad sa post ng Road Warriors.

Naniniwala si Guiao na malaki ang maitutulong ng 29-anyos na si Marcelo na dating NCAA 4-time champion bilang dating San Beda Red Lion para sa Road Warriors.

“Rabeh’s potential is great, but ours might not be the right system to maximize that potential. So this is a win-win situation. He can be better utilized in their team, while Dave Marcelo can be part of our future mainstays,” paliwanag ni Guiao.

Sa loob ng limang laro, isang beses lamang na ginamit ng NLEX si Al-Hussaini ngayong conference. (Marivic Awitan)