Ni NORA CALDERON
NINE days ang nahinging bakasyon ni Glaiza de Castro sa taping ng Contessa. November last year pa naman kasi sila nag-umpisang mag-taping, at March na nagsimulang mapanood.
“Hindi ko na po puwedeng hindi ituloy iyon dahil matagal na rin naman akong nakapagsabi sa production,” kuwento ni Glaiza na looking well sa pagbabalik niya. “Marami na rin po kaming nai-taping noon kaya hindi naman napansin na nawala ako. Nagkaroon din ako ng chance na ma-meet ang mga AlDub fans doon sa Sydney at nang malaman ng GMA Pinoy TV na nandoon ako, binigyan nila ako ng schedule para ma-meet ang iba pang fans doon at makapag-promote ng show.
“Now I’m back at tamang-tamang lumabas na nga ang character ni Contessa, Kaya nag-try na rin kaming gawin ang transition ng looks ni Contessa, noong una may kaba ako nang magpa-bleach ako ng hair ko. Iyong papatungan na lamang ng ibang color kung kailangan, Itong ash gray nga ang napili namin at binago rin ang length ng buhok ko. Nakakatuwa naman na interested silang gayahin ang hair style at hair color ni Contessa. Minsang nasa salon ako, may narinig akong sabi sa hair stylist gusto raw niya katulad ng hair ni Contessa kaya sabi ko nga, huwag silang matakot magbago ng looks kung bagay naman sa kanila.
“Next week, abangan ninyo iyong funeral scene na may pasabog na naman si Contessa, iyong damit ko ginawa ni Charina Sarte. May budget po naman ang production kaya no problem ang mga isinusuot ko. Wala na po si Glaiza, hindi ko alam kung saan siya napunta, si Contessa na ang kilala ng mga fans. Sa muli niyang pagbabalik mas fierce na ang kanyang character, wala na iyong dati niyang character bilang si Bea, si Contessa na siya at salamat po sa mga viewers na nagsabing mas-exciting daw ang role ko, at type nila ang mga catfights namin ni Daniella (Lauren Young). Iyon po namang catfights namin, niri-rehearse namin bago gawin pero hindi po maiwasan na magkasakitan pa rin kami kapag intense na ang eksena.”
Hindi ba nahirapan si Glaiza na kumawala sa character ni Contessa after ng taping?
“Thankful po ako na kasama ko rito si Ms. Tetchie (Agbayani) na napaka-supportive at nakukuha ko ang positive energy niya, lalo na kung si Contessa ako at naroon pa rin ang pagiging tao ng character ko bilang si Bea, dahil ang kapatid kong si Ely ang tanging pamilya ko na naiwanan, siya ang nagiging konsensiya ko, nagiging human ako at hindi pwedeng hindi lumabas ang character ni Bea.”
Hindi ba siya nahihirapang kumawala sa character ni Bea kapag ganoon?
“Nahihirapan din po kaya kung ang eksena ay matatapos na umiiyak ako, itinutuloy ko lamang ang pag-iyak ko off-camera. Mas mahirap po kasing iuwi ko ang feelings na ganoon, mahirap pong matulog.”
Nagpasalamat din si Glaiza sa netizens, dahil nababasa niya ang comments sa social media tungkol sa show na nagiging inspirasyon nila para pagbutihin ang kanilang pagganap.