Ni NITZ MIRALLES
NAGBAKASYON sa Amanpulo, Palawan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, pero wala silang picture na ipinost sa kanya-kanyang social media account.
Kung may photo man na ipinost si John Lloyd, malayo ang kuha at hindi makikilala kung sino ang mga nasa litrato.
Anyway, habang nagbakasyon sila sa Amanpulo ay may nakakita sa kanila na malaki pa rin ang tiyan ni Ellen, buntis pa rin siya, kaya mali ang balitang nanganak na siya sa Singapore last March.
May nakausap din ang isang kaibigan naming reporter na malapit kina John Lloyd at Ellen at ang alam nito ay sa June pa manganganak si Ellen. Kaya wala pang anak ang dalawa.
Wala pa ring balita tungkol sa reaction ni Ellen sa isinampang tatlong kaso sa kanya ni Myra Abo Santos. Abang-abang tayo sa mga susunod na hakbang na gagawin ng magkabilang kampo.