LUBAO, Pampanga -- Tuloy ang laban para sa mga Pinoy.
Bumawi si dating world junior golf champion Rupert Zaragosa sa kanyang even-par 72, umiskor si Taipei Universiade campaigner Jonas Christian Magcalayo ng 76 at nagdagdag si Lanz William Uy ng 77 sa pagpapatuloy ng 2018 FISU World University Golf Championship sa Pradera Verde Golf at Country Club.
Si Zaragosa, sumikat matapos pamunuan ang Lyceum of the Philippines sa tatlong sunod na national inter-collegiate championships, ay naka birdied sa par-5, 502-meter 18th hole para sa kanyang 72.
Kasama ang kanyang opening-day 77, ang 5-2 na si Zaragosa at nakaipon ng dalawang araw na iskor na 149 sa kumpetisyon na itinataguyod ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa tulong ng International Sports University Federation (FISU).
Naghahabol siya ng 10 puntos sa two-day leader na si Henry Tschopp ng Switzerland, na may one-under-71, at kulang ng nine strokes sa iskor ng Japanese pair nina Daiki Imano, na may 68 at Taisei Shimizu, na may 71.
Kumana naman si Magcalayo, best-placed Filipino player matapos ang first round nung Miyerkules, ng tatlong birdies at seven bogeys sa rounds na 38-38 para sa iskor na 76, habang si Uy ay nakakuha lamang ng isang birdie at anim na bogeys sa nines na 39-38 para sa kanyang. 77.
“I played bad today with some bad decisions on the course. I did my best to lessen the damage done with my score. Hopefully I can recover,” pahayag ni Magcalayo, na may opening-day iskor na 71.
Ang 22-taong-gulang na estudyante ng Mapua ay may two-day iskor na 147 para tumabla sa ika-16th puwesto.
Ang 19-anyos na si Uy, mag-aaral ng Technological University of the Philippines, at may 153 para sa 27th place sa 36-player, 21-nation tournament.
Samantala, patuloy ang magandang tirada ni Tschopp, isang incoming freshman student sa Western Texas College, na nag birdie sa tatlo sa unang apat na butas.
“I was not expecting to be the leader after the second round because there was a Japanese player playing with four under. I was expecting to be one or two shots behind but now I am one shot ahead,” pahatag ni Tschopp.
Gayunman, ang best score na 68 para sa naturang round ay nagmula kay Imano.