Kalunos-lunos ang pagkamatay ng 74-anyos na babae matapos mabagsakan ng crane habang naglilinis ng kanyang bakuran sa Quezon City kahapon.

TUBIG PA! Inaapula ng mga bumbero ang apoy na tumupok sa Weliton building sa Binondo, Maynila kahapon. (CZAR DANCEL)

TUBIG PA! Inaapula ng mga bumbero ang apoy na tumupok sa Weliton building sa Binondo, Maynila kahapon. (CZAR DANCEL)

Kinilala ang biktima na si Rosalinda Mendez, ng Pag-asa Compound, Tandang Sora Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City.

Dead on arrival si Mendez sa Malvar Hospital dahil sa matinding pinsala sa katawan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang aksidente sa bakuran ng biktima kung saan may construction project ang Manila Water Company, bandang 6:30 ng umaga.

Sa pahayag sa pulisya ni Ayen Infante, kapitbahay ni Mendez, nagwawalis ang biktima sa bakuran nang mabagsakan ng crane ng Manila Water.

Nabatid na bumigay ang malalaking bakal ng crane at nabagsakan ang biktima at tuluyang humandusay.

Sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU, substandard ang crane at dalawang beses na itong bumigay.

Kaugnay nito, nagpaabot ng tulong ang Manila Water sa pamilya ni Mendez.

-JUN FABON