SA unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Tour, babagtasin ng mga pambatong Pinoy at karibal na foreign riders ang kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue o EDSA sa ika-9 na edisyon ng Le Tour de Filipinas na magsisimula bukas (Mayo 20).

Mula sa Liwasang Aurora kung saan magsisimula ang karera sa loob ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City, ang 17 koponang kalahok nabinubuo ng 85 siklista ay papadyak sa Elliptical Road palabas sa Quezon Avenue bago baybayin ang Edsa patungong Monumento sa Caloocan City kung nasaan nakahimpil ang neutral zone na may distansyang 9.5 kilometro.

Nakatakdang ayudahan ang race entourage ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Danilo D. Lim, upang maging maayos ang daloy ng trapiko.

Ang 157.50-km Stage 1 na magtatapos sa Palayan City ay sisimulan ng 8:00 ng umaga.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

“Edsa is historic in many ways, but with the traffic conditions on the highway, especially at rush hour—and the concerns over clean air—it would be a milestone for the Le Tour de Filipinas to expand its advocacy on the major thoroughfare,” pahayag ni Alberto Lina, PhilCycling chairman at tinaguriang godfather of Philippine cycling.

Babagtasin din ng apat na stages ng International Cycling Union race ang McArthur Highway,ang pangunahing lansangang nag uugnay sa Metro Manila sa Central at Northern Luzon bago naipagawa ang North Luzon Expressway,.

Mas marami ding riders ang kalahok ngayon dahil nadagdagan ang bilang ng mga koponan na umabot ng 17, 11 foreign at anim na locals na kinabibilangan ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines, Team CCN Philippines, Go For Gold, Philippine National Team, Bike Extreme Philippines, Standard Insurance-Navy, Terrenganu Cycling Team (Malaysia), Pishgaman Cycling Team (Iran), Nice Devo Cycling Team (Mongolia), Interpro Stradalli Cycling Team (Japan), Oliver’s Real Food Racing (Australia), Korail Cycling Team (South Korea), Team Sapura Cycling Team (Malaysia), Ningxia Sports Lottery Livall Cycling Team (China), KFC Cycling Team (Indonesia), Uijeongbu Cycling Team (South Korea) at Forca Amskins Racing (Malaysia).

-Marivic Awitan