Mga Laro Ngayon
(Batangas City Coliseum )
10:00 n.u. – Army vs Air Force (men’s)
2:00 n.h. – PayMaya vs Iriga-Navy (women’s)
4:00 n.h. – BaliPure vs Tacloban (women’s)
MULING magdaraos ng out of town games ang Premier Volleyball League sa ikalawang pagkakataon kung saan lahat ng walong koponang kalahok ay sasabak sa dalawang araw na Batangas swing ng liga.
Magtutuos sa unang laro ngayong hapon sa Batangas City Sports Coliseum ang PayMaya at Iriga-Navy na susundan ng salpukan ng BaliPure at Tacloban.
Ganap na 2:00 ng hapon ang tapatang High Flyers at Lady Oragons habang 4:00 naman ang sagupaang Purest Water Defenders at Fighting Warays.
Kapwa magtatangka ang High Flyers at Fighting Warays na kumalas sa kasalukuyang three-way tie sa pamumuno ng Creamline sa barahang 3-1.
Tatangkain ng Tacloban na gamiting buwelo ang naitalang four-set na panalo kontra BanKo-Perlas nitong Miyerkules.
Sa ngayon ang koponan ng Iriga-Navy, ang nag-iisang wala pang talo makaraang gapiin ang BaliPure sa una nilang laro noong Mayo 9.
Magtatangka namang bumawi ang High Flyers, naputol ang naunang back-to-back opening win ng straight-set na kabiguan sa kamay ng Cool Smashers sa Tuguegarao nitong nakaraang weekend.
Tiyak na mapapalaban ng husto sina mports Macy Ubben at Lauren Whyte, kontra kina power-hitting Tess Rountree at Shelby Sullivan ng High Flyers na sigurado namang aagapayan nina locals Aiko Urdas, Jerrili Malabanan, Grethcel Soltones, Celine Domingo at ace playmaker Jasmine Nabor.
Inaasahan din ang umaatikabong hatawan ng Tacloban at BaliPure.
Pamumunuan muli ang Fighting Warays nina Thai imports Amport Hyapha at Sasiwimol Sangpan, kasama sina skipper Jovielyn Prado at setter Kyle Negrito habang sasandig naman ang Water Defenders kay American Janisa Johnson.
Samantala, magtutuos naman kinabukasan sa huling araw ng Batangas swing ang Petrogazz at Bangko-Perlas sa unang laban ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng salpukan ng Pocari at Creamline ganap na 4:00 ng hapon.
-Marivic Awitan