NORTH CAROLINA – Matikas ang simula ni Pinay champion golfer Dottie Ardina sa naiskor na three-under 69 para sa dalawang puntos na bentahe sa opening round ng Symetra Classic nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) dito.

Kumana si Ardina, SEA Games multi-medalist, ng apat na birdies habang may isang bogey sa River Run Country Club para makaungos kina Stacy Bregman ng South Africa, Korea’s Min-G Kim at Regina Plasencia ng Spain.

Hataw naman si Clariss Guce ng 75 para makisosyo sa ika-49, habangh matamlay ang simula nang isa pang Pinay na si Mia Piccio na umiskor ng 80.

Alex Eala, Francis Alcantara, laglag sa semis ng mixed double tournament ng 2025 SEA Games