KINUMPIRMA ng pamunuan ng Southeast Asian SEA Games Federation na 30 sports ang inisyal na inaprubahan ng kanilang kumite upang na paglabanan sa hosting ng bansa sa nasabing biennial meet sa 2019.

Nagsama sama kahapon ang pamunuan ng SEAG Federation Council sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee POC president Ricky Vargas na siya rin presidente ng naturang pederasyon kasama sina dating POC president Celso Dayrit, Patrick Gregorio, Abraham “Bamboo” Tolentino at Ramon Tats Suzara upang maghatid ng balita ukol sa development ng SEAG hosting.

Ayon Kay Vargas, bagama’t 30 sports na ang naaprubahan, ay maari pa rin na madagdagan ito sakaling may mga NOCs pa na gustong humabol hanggang sa July 13, 2018.

“We have approved the initial 30 sports but of course any additional sport is open for submission until July 13 of this year,” pahayag ni Vargas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang sa mga sports na naaprubahan ay ang athletics, aquatics, archery, badminton, baseball, basketball o softball, basketball, billiards, bowling, boxing, cycling, equestrian, fencing, football, golf at gymnastics.

Kasama din judo/juijitsu, karatedo, sailing, sepak Takraw, shooting, squash, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting, wrestling, wushu, arnis, dancesport at muay.

Bukod dito pinangalanan naman ni Suzara ang mga venues ng nasabing biennial meet kung saan ang magiging main hub ay ang New Clark City sa Pampanga, ang second hub ay ang Subic at third hub ang Manila.

Hahatiin sa tatlong clusters ang kabuuang ng nga sports na naaprubahan at ilalagay sa mga venues into.

Isang halimbawa ay ang boxing na gagawin sa Manila sa SMX Center, at ang basketball sa MOA Arena at Cuneta Astrodome.

-Annie Abad