BUTUAN CITY - Dalawang magkasunod na pagyanig ang naramdaman sa Surigao del Norte at Maguindanao kahapon.

Sa kanilang website, binanggit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 3.5 magnitude na lindol sa layong 46 kilometero (km) northwest ng Del Carmen sa Siargao Island, Surigao del Norte, bandang 6:55 ng umaga.

Umabot din sa isang kilometro ang lalim nito.

Pagsapit ng 2:20 ng madaling araw, naitala naman ang magnitude 3.6 na lindol sa Maguindanao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natukoy ang sentro nito sa layong 6km southwest ng Buldon, Maguindanao.

Parehong tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

-Mike U. Crismundo