Mga Laro Ngayon

PBA Sched May 18 copy

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Blackwater vs TNT Katropa

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. -- Meralco vs Magnolia

DALAWANG imports na sasabak sa kanilang huling laro at umaasang mabibigyan ng panalo ang kani-kanilang koponan sa pagpapatuloy ngayon ng 2018 PBA Commissioners Cup elimination sa Araneta Coliseum.

SEPAK? Mistulang player sa sepak takraw si Gryann Mendoza ng Magnolia nang mapasipa sa ere matapos mawalan ng balanse nang madepensahan ni Jackson Corpuz ng Columbian Dyip sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup elimination nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Nagwagi ang Magnolia,126-101. (RIO DELUVIO)

SEPAK? Mistulang player sa sepak takraw si Gryann Mendoza ng Magnolia nang mapasipa sa ere matapos mawalan ng balanse nang madepensahan ni Jackson Corpuz ng Columbian Dyip sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup elimination nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Nagwagi ang Magnolia,126-101. (RIO DELUVIO)

Tatangkain nina Magnolia import Vernon Macklin at TNT Katropa import Jeremy Tyler na ipanalo ang huling laban sa liga para bigyan daan ang pagsama nang mga bagong kapalit.

Pangungunahan ni Macklin ang Meralco sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi, habang sasabak si Tyler kontra Blackwater sa unang salpukan ganap na 4:30 ng hapon.

Hindi man tuwirang sabihin, maugong ang balitang huling laro na ni Tyler dahil babalik na ang nakaraang taong import ng Katropa na naghatid sa kanila sa finals na si Joshua Smith.

Nakukulangan ang Katropa sa performance ng 26-anyos na si Tyler na nagtala ng average na 12.25 puntos at 13.25 rebounds sa unang apat na laban.

Inaasahang lalaro ang 6-foot-10 na si Smith na manggagaling sa paglalaro sa Japan league sa Hunyo 1 kontra Columbian Dyip.

Kung hindi impresibo si Tyler, naunang commitment at prayoridad sa pangangailangan ng kanyang pamilya ang dahilan ni Macklin kung bakit niya iiwan ang PBA.

May naunang commitment si Macklin sa National Basketball League sa China at batid naman umano ito ng pamunuan ng Hotshots bago nila ito kinuha.

“Right before the start alam namin na aalis siya. He will play for our first four games para lang at least we have a time to find another replacement,” pahayag ni Magnolia coach Chito Victolero.

“Maganda schedule namin. We have a two-week break so siguro makakahanap kami before our game on June 2,” aniya.

-Marivic Awitan