Lumalabas na hindi nakadadagdag ng pananakit ng likod ng mga bata ang pagdadala ng bag sa pagpasok sa eskuwelahan, ayon sa pagrebisa ng Australia sa mga naunang pag-aaral.

Kids copy

Inilathala ng iba’t ibang organisasyon ang mga palatuntunan tungkol sa inirekomendang bigat ng backpack para sa mga bata, na dapat ay limang porsiyento hanggang 20 porsyento lamang ng kanilang timbang. Gayunman, wala pang review ng buod ng siyentipikong literature, pahayag ng awtor.

“According to popular opinion, schoolbags are a problem for kids. Many parents and even health professionals believe that schoolbags can be harmful for children, being the cause of their back pain,” lahad ni study leader Tie Parma Yamato ng University of Sydney sa New South Wales sa Reuters Health sa isang email.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang panguhaning sanhi ng pananakit ng likod ng mga bata ay ang bigat ng bitbit na bag, kung paano nila ito pinapasan o dinadala at ang disenyo ng bag, ngunit wala pa namang lumalabas na ebidensyang magpapatunay nito, sabi ni Parma Yamato.

“Because of this, we decided to investigate the research in this area to better understand the relationship between schoolbags and back pain,” aniya.

Sa report ng British Journal of Sports Medicine, sinuri ni Parma Yamato at ng kanyang kasamahan ang 69 na pag-aaral na may kinalaman sa paggamit ng schoolbag at pananakit ng likod.

Naging partisipante sa mga pag-aaral ang mahigit 72,000 bata.

Lima sa mga pag-aaral ang nagsabing schoolbag ang sanhi ng laging pananakit ng likod. Isa sa mga pag-aaral naman ang nag-ulat na, ang mga batang nagsabing nahihirapang magbitbit ng kanilang schoolbag ay mas mataas ang porsiyento ng palagiang pananakit ng likod. Napag-alaman din na ang bigat ng mga schoolbag ang may kaugnayan sa pananakit ng likod ng bata.

Gayunman, nang suriin ng mga imbestigador ang mga pag-aaral, hindi sila nakahanap ng ebidensyan na ito nga ang sanhi ng pananakit ng likod ng mga bata.

“People mistakenly think back pain in kids is an injury and so look for a cause of the back injury and the schoolbag is an easy target to lay blame at,” lahad ni Yamato.

Sa katunayan, aniya, “Physical activity and load are actually good for the spine, so we want kids to be physically active and to carry loads.”

Mas pinaniniwalaan pa rin ng publiko ang matagal nang paniniwala na ang pangit na posture ang sanhi ng pananakit ng likod, at ang pagdadala sa backpack na isang balikat lamang ang gamit ay makakasama sa posture ng mga bata, ani Parma Yamato.

“If a child is experiencing an episode of back pain it may make sense to temporarily reduce the load if this relieves the pain, but once they recover it is fine to return to a normal load in the schoolbag,” dagdag pa niya.

-Reuters Health