Nakaalerto ngayon ang militar dahil sa posibleng banta ng teror­ismo sa pagdaraos ng Ramadan sa bansa, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nilinaw ni AFP spokesman Col. Edgard Arevalo, bagamat may na­ganap na serye ng pagsabog sa In­donesia kamakailan, hindi pa rin inaaalis ng militar ang posibilidad na may mga indibidwal o grupo na posibleng maghasik ng kaguluhan sa pagsisimula ng Ramadan kahapon.

Ayon kay Arevalo, ginagawa nila ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at hindi maulit ang nangyaring serye ng bombing incident sa Indonesia kung saan tatlong simbahan ang pinuntirya ng mga suspek.

-Fer Taboy
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito