Nanawagan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mamamayang Moro na magkaisa sa panalangin para maagang maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagsisimula ng kanilang banal na buwan ng Ramadan kahapon.

Sinabi ni MILF Chairman Al Hadj Murad Ebrahim na positibo sila na tutuparin ng kasalukuyang administrasyon ang mga ipinangako nito sa Bangsamoro.

“The draft Bangsamoro Basic Law, which embodies our aspirations, appears to be on the verge of being enacted by the Congress of the Philippines. We are very optimistic since President Rodrigo Roa Duterte is fulfilling his commitments to the Bangsamoro,” ani Ebrahim.

Sinabi ni Ebrahim na kung hindi dahil sa patuloy na pakikibaka ng mamamayang Moro, hindi sila makakarating sa puntong ito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“But above all, we thank and rely only upon Allah (SWT) who is the real witness to all our sacrifices and the only one that can justly reward us, not necessarily with what we can humanly aspire and wish for, but surely with what He, in his Omnipotence, can will for us,” aniya.

Ikinatuwa ng Malacañang nitong Martes ang pagpasa ng House committee report sa panukalang BBL na naglalayong palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng bagong political entity, ang Bangsamoro.

-Zea Capistrano