LUBAO, Pampanga -- Hindi padadaig ang Pinoy.

Kaagad na nagpakitang gilas si Jonas Christian Magcalayo matapos umiskor ng one-under par 71 sa pagsisimula ng 17th World University Golf Championships sa Pradera Verde Golf and Country Club.

MAGCALAYO: Best bet ng Ph Team

MAGCALAYO: Best bet ng Ph Team

Si Magcalayo, isa sa tatlong Filipino players na kalahok sa 68-player field, 13-nation tournament, ay nagtala ng opening-day scores na 35 at 36 sa par-72 course na matatagpuan sa makasaysayang probinsya na itinuturing na ‘Cradle of Pampanga Civilization.’

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Mas naging maganda pa sana ang score ng 21-taong gulang na Construction Engineering student sa Mapua kung hindi sa kanyang double bogey sa 17th hole.

“I was three-under going to the 17th but I think the adrenaline was getting into me and suddenly I double bogeyed,” pahayag ni Magcalayo, nakipagtagisan na rin sa 2017 Summer Universiade sa Taipei.

Sa kabuuan, ang pambato ng Quezon, Romblon ay may apat na birdies, isang bogey at isang double bogey.

Nakuha naman ni Henry Tschopp ng Switzerland sa kanyang eagle-aided four-under par 68 para angkinin ang three-stroke lead sa kumpetisyon na itinataguyod ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) at International University Sports Federation (FISU).

Pumangalawa si Taisei Shimizu ng Japan sa kanyang opening-day 69 na tinampukan ng anim na birdies, habang pumangatlo si Matthew Cheung ng Hong Kong sa kanyang 70 na pinasigla ng dalawang eagles at dalawang birdies.

Magkasalo sina Magcalayo, Chao Hua-Lee ng Taiwan, Muhammad Razif ng Malaysia at Jonathan Lai ng Hong Kong sa ika-apat hanggang ikapitong puwesto.

Hindi naman naging mapalad sina Lanz William Uy at Ruperto Zaragosa sa unang araw ng kumpetisyon.

Umiskor si Uy, kasalukuyang nag-aaral sa Techological University of the Philippines, ng four-over 76, habang si Zaragosa, nagmula sa Lyceum of the Philippines University, ay tumipa ng five-over 77.

Ang kumpetisyon ay sinuportahan ng Department of Tourism, Tourism Promotions Board, Arena Lux Enterprise, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., Seascape Village at Aurora Securities, Inc.

Sa women’s division, nanguna sina Elodie Chapelet ng France at Hei Name Isabella Leung ng Hong Kong sa parehong one-over 73. Nakabuntot si Ana Paula Ramirez Perea ng Mexico sa naiskor na 74.

Magkasosyo na parehong may iskor na 75 sina Minji Kang at Dasom Ma ng South Korea.

Sadsad ang pambato ng Pinas na sina Annika Victoria Guangko at Denise Angela Pineda sa iskor na 93 at 95, ayon sa pagkakasunod.

Magkasosyo sa pangunguna sa men’s team event ang Japan at Hong Kong tangan ang 141 puntos mula kina Shimizu, Daiki Imano, Cheung at Lai. Pangalawa ang Switzerland (142) kasunod na France (149).