Tiyak nang matatanggal sa puwesto ang aktor na si Tourism Promotions Board Head Cesar Montano, makaraang makaladkad sa kontrobersiya ang kanyang “Buhay Carinderia…Redefined” project para sa ahensiya.

Napaulat na nabayaran na ang P80-milyon proyekto kahit hindi pa naman ito nasisimulan.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nagkaharap na sila ni Montano ilang araw matapos siyang manumpa bilang bagong DoT secretary, at nadiskubre niyang walang nangyaring bidding para sa nasabing kasunduan.

Depensa umano ni Montano, sponsorship ang kasunduan sa proyekto kaya walang bidding process.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, sinabi ni Puyat na importanteng may bidding sa anumang government project.

Nabatid na hindi na raw hiningi ni Puyat ang resignation letter ni Montano dahil moot and academic na ito.

Inaasahang ihahayag na ng Department of Tourism (DoT) ang mga opisyal ng kagawaran na nagbitiw na sa puwesto, alinsunod sa kanyang panawagan sa mga ito assistant at undersecretary na magsumite ng courtesy resignation kay Pangulong Duterte.

Una nang kinumpirma ni Puyat na limang opisyal na ang naghain ng courtesy resignation, kabilang na si Asec Frederick Alegre.

-Beth Camia