BUTUAN CITY - Nakatakdang bakunahan ng Department of Health (DoH) ang aabot sa 300,133 bata bilang pangontra sa tigdas sa Caraga region.
Puntirya ng DoH na mabakunahan ang mga batang mula anim hanggang siyam taong gulang, na residente ng anim na lalawigan sa Northeastern Mindanao (Caraga region).
Isasagawa ng ahensiya ang door-to-door measles immunization sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Nitong nakaraang Biyernes, inilunsad na ng DoH ang kanilang “Ligtas Tigdas Plus: Measles Rubella Supplemental Immunization Activity” sa covered court ng Barangay Baan Km. 3. Tatagal ang programa hanggang Hunyo 8.
Inilunsad ang programa nang maiulat na umabot na sa 82 ang tinamaan ng tigdas, ayon na rin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DoH.
-Mike U. Crismundo