ANG GMA Kapuso Foundation, Inc. headed by Chairman Atty. Felipe Gozon ay tumanggap ng P2.25 M na donasyon para sa Rebuild Marawi Project mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCII) sa pamumuno ni President Domingo Yap. Magtatayo sila ng tatlong public schools sa Marawi City na nawasak ng digmaan laban sa mga terorista.

Ang FFCCCII ay may proyektong Operation Barrio School mula pa noong 1961. Nais ng negosyanteng Tsino na itaguyod ang katarungang panlipunan o social justice at iahon ang mga maralita sa kahirapan.

“Napakahalaga nito sa pag-rehabilitate ng Marawi dahil ang unang pangangailangan ng mga bata doon ay eskuwelahan. Tulungan natin sila sa pagpapanumbalik ng Marawi,”pahayag ni Atty. Gozon.

Present sa pagtanggap ng donasyon ng FFCCCII sina GMA Network President Gilberto Duavit, Jr. at GMA Kapuso Foundation EVP at COO Rikki Escudero-Catibog.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Sinabi ni COO Catibog na ang FFCCCII ay pinakamalaking donor ng GMAKF para sa Rebuild Marawi Project.

–Remy Umerez