WASHINGTON (Reuters) – Inamin ni U.S. President Donald Trump nitong Miyerkules na hindi pa malinaw kung matutuloy ang kanyang summit sa North Korea matapos magbanta ang Pyongyang na uurong.

Inilagay sa alanganin ng North Korea ang summit sa Hunyo 12 ng leader nitong si Kim Jong Un at ni Trump nitong Miyerkules, nang sabihin na posibleng hindi ito dadalo kapag patuloy na iginiit ng Washington na abandonahin nito ang kanyang nuclear arsenal. Kinansela rin ng North Korea ang sana’y mga pagpupulong sa South Korea nitong Miyerkules, dahil sa U.S.-South Korean military exercises.

“We’ll have to see,” sinabi ni Trump sa reporters sa Oval Office nang tanungin kung tuloy pa rin ang summit, ngunit idiniin na hindi niya iuurong ang demand para sa denuclearization ng North Korea.

“No decision, we haven’t been notified at all ... We haven’t seen anything, we haven’t heard anything,” aniya.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'