NAIINGAYAN kami sa kaliwa’t kanang hiyawan gn supporters ng mga artista tuwing nanonood kami ng premiere night ng pelikula, pero kakaiba ang naranasan namin sa Kasal nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay na para kaming nasa prayer meeting sa sobrang katahimikan.
Ninamnam nang husto ng mga manonood ang dialogs, kuwento, at mga eksena at magandang pagkakadirek ni Ruel S. Bayani sa isa sa 25th anniversary presentation ng Star Cinema.
Marami ang mga linyang nakakatawa na hindi hard sell ang pagkaka-deliver kaya bentang-benta sa mga manonood.
Magaganda ang mga kuha sa tatlong bida ng Kasal, inalagaan sila nang husto ni Direk Ruel kaya pati sa eksenang umiiyak na si Bea ay maganda pa rin siya.
Fresh o parang ang bangu-bangong panoorin ni Paulo samantalang mukhang haggard naman si Derek at as usual, lalaking-lalaki ang dating, ha-ha-ha, may clue na ba?
Ayaw naming ikuwent o ang buong plot ng Kasal dahil magagalit ang mga manonood pa lang, mas magandang panoorin ito para mas exciting sa lahat dahil bago ang karakter si Paulo rito.
Done with taste ang Kasal, malinis at walang butas ang kuwento. Wala pa ring kupas si Ruel S. Bayani sa paggawa ng love triangle love story na ganito!
Nakita namin sa premiere night sa SM Megamall Cinema 7 nitong Martes ang mga bida ng seryeng Araw Gabi na sina JM de Guzman at Barbie Imperial, si Ms. Zsa Zsa Padilla at fiancé na si Condrad Onglao, Maja Salvador, Kakai Bautista, Ian Veneracion, Ricky Davao at Cherie Gil at siyempre sina Bea, Paulo at Derek at ang direktor nila.
–Reggee Bonoan