TATANGKAIN ni world rated Jessie Espinas na maagaw ang Philippine light flyweight title kay Lester Abutan sa kanilang 12-round na sagupaan sa Mayo 22 sa Binan City, Laguna.
Dating hawak ni Espinas ang WBO Oriental light flyweight title na natamo niya nang patulugin si Phai Pharob noong 2016 sa Watt Kokkuod, Surin, Thailand.
Sa kanyang huling laban, tinalo niya sa puntos si Elias Joaquino sa loob ng 10 round kaya naisuot ang Minproba junior flyweight belt. Kasalukuyan siyang nakalista na No. 6 kay WBA light flyweight champion Ryoichi Taguchi ng Japan.
Nakuha naman ni Abutan ang Philippine light flyweight belt nang patulugin niya ang dating kampeong si Rene Patilano noong Mayo 22, 2017 sa Binan City, Laguna at ito ang unang depensa niya ng korona.
Sa kanyang huling dalawang laban, natalo via stoppage si Abutan kay world rated Ryota Yamauchi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan at sa puntos kay WBC International Silver light flyweight titlist Tino Monabesa sa Jakarta, Indonesia.
May rekord si Abutan na 12-8-3 na may 6 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Espinas na may 18 panalo, 2 talo na may 11 pagwawagi sa kncokouts.
-Gilbert Espeña