Sinabi ni Senador Bam Aquino na dapat isulong ng pamahalaan ang pagpapalakas sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), at hindi ang pagbuwag dito.

“Kung talagang determinado ang gobyerno na labanan ang katiwalian, bakit nais nitong buwagin ang PCGG na siyang naghahabol sa nakaw na yaman ng pamilya Marcos,” ani Aquino.

Kinuwestiyon din ni Aquino ang pagkilos ng Kamara na buwagin ang PCGG, na aniya ay bahagi ng planong baguhin ang kasaysayan ukol sa nakaw na yaman ng mga Marcos.

Sa loob ng 30 taon nito, matagumpay na nabawi ng PCGG ang $3.6 bilyon o P170 bilkon mula sa tinatayang $10-B na nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

-Leonel M. Abasola