TAMPOK ang Mindanao executives mula sa siyudad ng Davao, Cagayan de Oro, Iligan, Pagadian, Zamboanga, Cotabato, General Santos, Kidapawan at Koronadal, maging ang provinces ng Davao, Sultan Kudarat, Maguindanao, Cotabato at host South Cotabato na nagbabanta sa visiting executives mula Manila na magbibigay ng mahigpit ng laban sa gaganaping 5thleg ng philippine Executive Active Chess Championship sa Mayo 26-27 sa Punta Isla Lake Resort sa Lake Sebu, South Cotabato.

Inimbitahan para sa two-day chessfest sina Lake Sebu town mayor Antonio Fungan at South Cotabato Governor Daisy Avance- Fuentes na magsasagawa ng traditional ceremonial moves kasama na ang pagbibigay ng inspirational message sa mga kalahok.

Kabilang sa mga maagang nagpatala sina James Infiesto, Rhynan at Engr Rhymon Arce ng Davao , Domingo Oga, Jaime Frias, Jun Gunayan at Cleto Vasquez ng CDO, Jezreel Lopez, Fiscal Cleto Edralin, Roumundo Edades at Amer Tandong ng Pagadian, Gregorio Artieda ar Datu Ali Sinsuat ng Cotabato City;

Eduard Sumergido ng Basilan, NM Paul Torrijos, Marcelino Vasquez, Dillon Intila ng General Santos City, Dr. Ted Calica, Ronald Olay at Larry Santos ng Kidapawan, Jack Dasmarinas at Engr Rico Marave ng Iligan. Makakasama nila ang mga South Cotabato executives na rerendahan naman nina South Cotabato Provincial Administrator Danny Supe, teacher Richard Samulde, engineers Ray Salvaloza, Domingo Dormitorio at Julius Silvederio at businessman Allan Mariveles. May delegation din na magmumula sa LGU Maguindanao sa pangunguna ni top player Talib Tiboron.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

May developmental Kiddies event din ang isasagawa. Mag call o text kay Mr. Lito Dormitorio sa mobile number: 0949-374-1967 para sa dagdag na detalye.