PORMAL na pinatalsik ng National University ang Gilas Pilipinas Cadets matapos ang manipis na 86-81 panalo nitong Martes sa 2018 Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nagposte si dating junior standout John Lloyd Clemente ng 23 puntos kabilang ang assurance basket na nagbigay sa Bulldogs ng 85-79 na kalamangan may 12.9 segundo ang nalalabi sa laro.

Sinuportahan siya ni rookie John Galinato na nagdagdag ng 20 puntos at tatlong assists, at Enzo Joson na umiskor ng 14 puntos, pitong assists, at apat na rebounds.

“We’re maturing right now,” pahayag ni NU coach Jamike Jarin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“As I’ve been saying, this group of young men have the talent, the skill level. They’ll be very good in the coming years, but they are very young. We need to fasttrack our maturity and I think we’re maturing every game.”

Nagawang makalusot ng NU mula sa paghahabol ng Gilas sa final period sa pamumuno ni Kobe Paras na nagpasiklab ng 11-0 run na nagbigay sa kanila ng 77-72 bentahe may 3:52 sa laro.

Ngunit, bumalikwas ang Bulldogs sa ganting 11-0 blast upang mabawi ang bentahe sa 83-80 may nalalabi na lamang 20 segundo sa laro.

Dahil sa kabiguan, nalaglag ang Gilas Pilipinas sa playoff contention sa pagbagsak nito sa markang 1-5.

Tumapos si Paras na may 20 puntos bilang topscorer para sa Cadets.

-Marivic Awitan