Idinaos sa Jeju sa South Korea, ang kauna-unahang carbon-free island sa mundo, ang isa sa pinakamalalaking pagtitipon ng mga kinatawan ng industriya ng electric vehicle (EV) sa mundo.

Kabilang sa mga nakibahagi sa 5th International Electric Vehicle Expo sa Jeju kamakailan ang Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), sa pangunguna nina Chairman Ferdi Raquel Santos, President Rommel T. Juan, at VP Edmond Araga.

Tinalakay ni Juan sa harap ng mga EV specialist sa mundo ang mga polisiya ng EV sa Pilipinas, ilang buwan bago ang sariling EV Summit ng EVAP sa Hulyo 10-11 sa SMX Exhibition Center sa Mall of Asia, Pasay City.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte