TULOY ang salpukan sa iisang playdate ng mga pelikula ng dalawang major actors ng Philippine cinema sa ngayon – sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

dingdong

Sa Mayo 30 (Miyerkules), sabay na ipapalabas sa mga sinehan ang Sid and Aya (Not A Love Story) ni Dingdong at ang Ang Panahon ng Halimaw ni Piolo.

Sa Sid and Aya unang makakatambal sa pelikula ni Dingdong si Anne Curtis, mula sa Viva Films at N2 Films, directed by Irene Villamor.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Since it’s produced by Viva, natural na it’s for a nationwide commercial release. Sa trailer pa lang, naiintriga na ang marami na kung hindi nga love story ang Sid and Aya, e, ano ang tema ng pelikula?

Sa Ang Panahon ng Halimaw ay kasama naman ni Piolo si Shaina Magdayao, from Sine Pilipinas and Epicmedia, directed by the award-winning Lav Diaz.

Ang Piolo-Shaina movie ay distributed ito ng Globe Studios, exclusively sa Ayala Cinemas, na suki na ng previous Lav Diaz movies, gaano man kahahaba ang running time

Magkatapat ang mga pelikula nina Dingdong at Piolo sa May 30 playdate pero magkaiba ang genre at captive market o audience nila.

Kung hindi man love story ang Sid and Aya ay may element pa rin ito ng romance – kahit papaano – at drama, samantalang ang Ang Panahon ng Halimaw ay unique musical – first time for Direk Lav – dahil “a capella” ang pagbibitaw ng dialogues ng characters.

Kagagaling lang ni Direk Irene sa “sleeper hit” na Meet Me In St. Gallen na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla, ito ang follow-up film niya. Nag-shoot pa sina Dong at Anne sa Japan, hindi lang sa ‘Pinas.

Exciting ang fresh na tambalang Dingdong- Anne na malakas na chemistry sa big screen.

Hindi rin naman matatawaran ang kahusayan ni Lav Diaz sa paglikha ng kakaibang pelikula na nagugustuhan at kinikilala sa iba’t ibang international film festivals.

Unang nakatrabaho ni Direk Lav si Piolo sa Hele sa Hiwagang Hapis with John Lloyd Cruz a couple of years ago.

Nawa’y kapwa panoorin ng Pinoy moviegoers ang dalawang pelikula kapag ipinalabas sa mga sinehan.

-MELL T. NAVARRO