MELBOURNE, Australia – Bago ang laban, ang kondisyon nang panahon mula sa mainit na 32 degrees sa Manila hanggang sa malamig na 12 degrees dito ang kailangan lagpasan ni Filipino boxer Richard Claveras.

HANDA na ang tambalan nina Tanamor at Claveras

HANDA na ang tambalan nina Tanamor at Claveras

Dumating dito ang kampo ni Claveras mula sa Bacolod sakay ng Air Asia flight D7214 Miyerkules ng umaga para sa pinakamalaking laban ng kanyang pro career.

Haharapin ni Claveras (18-3-2, 15 KO’s) ang walang talong si Andrew “The Monster” Moloney (16-0, 10 KO’s), world-ranked boxer sa apat na boxing organizations at isa sa pinakasikat na fighter sa Down Under.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang agawin ni Claveras ang WBA Oceania Super Flyweight belt ni Maloney sa Sabado (Mayo 19) sa Malvern Town Hall sa Melbourne.

Naghanda at sinanay si Claveras ng beteranong trainer na si Felix Tanamor, isang dating flyweight

fighter. Mula sa Bacolod, nagsanay din ang pambato ng Silay City sa MP-Highland Boxing Gym kung saan naging sparring partner niya si flyweight pro boxer Jeronil “The Diamond” Borres.

Liyamado ring maituturing ang kambal ni Maloney na si Andrew “The Monster” Maloney, na sasabak para maidepensa ang WBA Oceania 115 title kontra kay dating 2-time world champion Kohei Kono ng Japan (33-11-1, 14 KO’s).