KUALA LUMPUR (Reuters) – Sinamsam ng Malaysian police ang ilang personal na gamit mula sa bahay ni dating prime minister Najib Razak kaugnay sa imbestigasyon sa money laundering, sinabi ng isang abogado nitong Huwebes.

May isandosenang armadong pulis ang pumasok sa bahay ni Najib nitong Miyerkules ng gabi sa kanyang pag-uwi mula sa panalangin sa moske, sinabi ng mga saksi sa Reuters.

Tumagal ng mahigit anim na oras ang paghahalughog kung kailan nakita ang mga opisyal na may dala-dalang malalaking bag papasok sa bahay at kalaunan ay isinakay ang mga ito sa isang truck.

“The search is supposed to be under money laundering act ... they found nothing incriminating,” sinabi ni Harpal Singh Grewal, abogado ni Najib, sa mga mamamahayag na nagkampo sa labas ng bahay.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ilan dosenang pulis din ang nakita sa isang luxury condominium sa isa pang distrito ng Kuala Lumpur, kung saan mayroong apartment si Najib.