NILAGDAAN ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra (ikalawa mula sa kanan) ang pagbibigay permit at sanctioned para sa kauna-unahang professional three-point league “Kings of Threes 3-point Shootout Championship”, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) Atty. Allen Escudero, Subic Bay Development & Industrial Estate Corporation (SUDECO) Legal Counsel, at Atty. Paul Elauria, SUDECO President,  at Professional Sports Chief Dr. Jesucito Garcia.
NILAGDAAN ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra (ikalawa mula sa kanan) ang pagbibigay permit at sanctioned para sa kauna-unahang professional three-point league “Kings of Threes 3-point Shootout Championship”, habang nakamasid sina (mula sa kaliwa) Atty. Allen Escudero, Subic Bay Development & Industrial Estate Corporation (SUDECO) Legal Counsel, at Atty. Paul Elauria, SUDECO President, at Professional Sports Chief Dr. Jesucito Garcia.

NI EDWIN ROLLON

KULANG man sa height, kayang makipagsabayan ng Pinoy sa international basketball competition kung mahuhubog ng husto sa outside shooting. At isang mabisang paraan ang pagkakaroon ng isang liga na nakatuon lamang sa shooting.

Umaasa si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra na may mahalagang papel na gagampanan sa pag-develop ng Pinoy sa ‘long distance shooting’ ang ilulunsad ‘Kings of Threes’, isang three point shootout tournament.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The South Koreans and the Japanese are very competitive in international competition because of having players who can shoot effectively from way beyond the three-point area. So far, talagang mahirap sa ating mga players ang makipagsabayan dahil talagang kulang tayo sa ceiling, pero kayang ma-compensate iyo kung marami tayong mahuhusay na outside shooters,” sambit ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na maging sa NBA, naagaw ang atensyon ng basketball fanatics sa long range shooting dahil sa husay ni Golden State Warriors guard at two-time MVP Stephen Curry.

‘Dati, ang mga Amerikano, passion ng mga yan yung dunk. Dahil malalaki, advantage yung height. But Stephen Curry, change that prospective. Kaya, ngayon mas marami na ang gusto ma smaging mahusay sa shooting kesya sa dunk,” pahayag ni Mitra, maituturing level A basketball player.

“Sa shooting lang ang batayan natin, ha!,’ pabirong tugon ng dating Palawan Governor at Congressman.

Kamakailan, inaprubahan ni Mitra kasama sina Commissioners Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ang permit at sanctioned para sa ligang ‘King of Threes Three-Point Championship’ na inorganisa ng Subic Bay Development & Industrial Estate Corporation (SUDECO), sa pangunguna ni Atty. Paul A. Elauria.

Ayon kay Mitra ang permit ay hindi lamang para sa legalisasyon ng liga bagkus para mabigyan ng karampatang seguridad ang mga players at maging ang organizers, dahil dadaan sila sa GAB's regulatory requirements: licensing of players, issuance of game permits, medical examination, at iba pa.

Batay sa Presidential Decree 871, ang GAB ang ahensiya na namamahala at nagbibigay ng kaukulang regulasyon para sa professional sports sa bansa tulad ng basketball, football, boxing, golf, billiard, motocross, triathlon/multi-sports, at esports.

Kinakatigan din ng GAB ang kautusan ng Pangulong Duterte para sa pagkakaroon ng drug-free society, sa papamgitan ng mahigpit na pagpapatupad ng drug testing para sa lahat ng atleta, opisyal, promoters at organizers bago isyuhan ng lisensya.