PATULOY ang pananalasa ni Singapore-based Filipino National Master Roberto Suelo Jr. sa Singapore Chess Tournament.
Umasa sa kanyang malawak na karanasan at international exposure, inilista ni Suelo ang Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championships sa kanyang growing list ng chess honors nitong Linggo na ginanap sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore.
Tinangap niya ang 300 Singapore dollar champions’ purse sa kanyang effort. Si Suelo ay undefeated sa six games of play na may four wins at two draws.
Dahil sa natamong tagumpay, nakamit ni Suelo, isang chess instructor ang second straight Singapore chess title sa buwang ito kasama na ang paghahari sa Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championships na tinampukang Labor Day Tournament nitong Mayo 1.
“Again I would like to dedicate my victory to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” pahayag ni Suelo, active member ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore.
Ang 1996 Philippine Junior champion at dating top player ng Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong City ay nagkamit din ng Arena Grandmaster Title sa FIDE (World Chess Federation)online arena sa buwang ito.
Ang mga nakapasok sa top 6 ay sina International Master (IM) elect Edgar Reggie Olay ng Philippines (4.5 pts.), FM Andrea Susilodinata ng Indonesia (4 pts.), Lincon Yap ng Philippines (3.5 pts.), Zi Han Goh (2.5 pts.) at Aldrin Wong ng Singapore (1.5 pts.).