Ni Beth Camia

Agad pinakilos ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang pananambang kay Quezon Cit y Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.

 HUSTISYA PARA KAY VELASCO Nagmartsa ang mga prosecutor sa Quezon City hall at ipinanawagan ang katarungan sa pananambang kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

HUSTISYA PARA KAY VELASCO Nagmartsa ang mga prosecutor sa Quezon City hall at ipinanawagan ang katarungan sa pananambang kay Deputy Prosecutor Rogelio Velasco. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

Ayon kay Guevarra, inatasan na niya ang NBI para alamin ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Velasco.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kabila nito, tiniyak ni Guevarra na hindi patitinag ang mga piskal sa pagganap sa kanilang tungkulin ngunit umaasa siya na si Guevarra na ang huling piskal na biktima ng karahasan.

An i y a , umaasa siya na mahuhubaran ng maskara ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen at sila ay mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Si Velasco ay tinambangan habang sakay sa SUV mula sa trabaho at susunduin sana ang kanyang asawa noong Biyernes ng hapon.