Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Magnolia vs Columbian Dyip

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

7:00 ng gabi -- NLEX vs Globalport

MAKAMIT ang ikalawang sunod na panalo upang makaagapay ng mga namumuno ang tatangkain ng Magnolia sa pagsagupa sa Columbian Dyip sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Nakabawi sa pagkabigo sa una nilang laro ang Hotshots matapos magwagi nitong Sabado kontra Globalport,92-87, sa larong idinaos sa Angeles City sa Pampanga.

Hawak ang markang 1-1, nais ng tropa ni coach Chito Victolero na umangat sa ikatlong puwesto kasunod ng mga kasalukuyang pumapangalawa na Meralco, Alaska at TNT Katropa na may tig-3 panalo at tig-isang talo.

Sa kabilang dako, tatangkain naman ng Columbian Dyip na maitala ang unang back-to-back wins sa limang laro.

Muli, inaasahang mamumuno para sa Hotshots sina import Vernon Macklin, Ian Sangalang, Paul Lee, Marck Barroca at Rome de la Rosa.

Para naman sa Dyips, sisikapin ni import John Fields III na mapatunayang hindi nagkamali ang koponan nang ipalit siya sa dating import na si CJ Aiken katulong ang mga locals na sina Rashawn McCarthy, Jeremy King at Carlo Lastimosa upang dugtungan ang nakaraang malaking panalo kontra league leader Rain or Shine.

Sa tampok na laro, ikalawang dikit na panalo rin ang hangad ng NLEX matapos makaahon sa unang tatlong pagkabigo sa pamamagitan ng 120-115 na panalo sa Phoenix nitong Biyernes.

Pagbawi naman ang hangad ng katunggali nilang Globalport mula sa natamong kabiguan sa kamay ng Hotshots na nagbaba sa kanila sa patas na markang 2-2.