Ni Hannah L. Torregoza

Sinabi kahapon ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara na tinatayang 1.5 milyong government workers ang inaasahang makatatanggap ng mas malaking bonus simula ngayong araw.

Ayon kay Angara, chair ng Senate Ways and Means Committee, ito ay dahil sa ilalim ng tax reform law o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) program o Republic Act 10963, tax-free na ang 13th month pay at iba pang mga benepisyo, kabilang na ang productivity incentives at Christmas bonuses.

Bago ang TRAIN law, isinulong ng senador ang batas na nagtataas ng tax exemption sa 13th month pay at iba pang benepisyo mula P30,000 sa P82,000 noong 2015.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi ni Angara na ang kabuuang halaga na inilaan para sa mid-year bonus ng lahat ng tauhan ng gobyerno ngayong taon ay nasa P36.2 bilyon.

“Government workers will now have a bigger take home bonus especially if their salary is not more than P90,000,” aniya.