Nina Leslie Ann G. Aquino at Bella Gamotea

Ngayong tapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections, pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na magkusa nang baklasin ang mga ikinabit nilang campaign materials.

“Since they are the ones that put them up, it is also their responsibility to take them down,” sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia sa press briefing kahapon.

Gayunman, inamin ni Guia na walang batas na nag-oobliga sa mga kandidato na baklasin ang sarili nilang campaign posters.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kabila nito, nilinaw ni Guia na dapat na managot ang mga kandidato na nagkabit ng campaign materials sa maling lugar, o sa labas ng mga itinakdang common poster areas.

“We could look at possible violations of local ordinances, especially for those thatare illegally placed campaign posters... that is where they could be held accountable,” ani Guia.

Una nang nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga kandidato na kusang baklasin ang kani-kanilang campaign materials pagkatapos ng halalan.

“We urge candidates who truly care for their constituents and their shared environment to conduct a post-election clean-up on May 15. Win or lose, please get out of the streets and

remove your campaign posters,” sabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste, idinagdag na ang ilan sa mga ito ay maaari pa ngang ma-recycle upang magkaroon pa ng pakinabang.

Kaugnay nito, sinimulan na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang malawakang clean-up operations laban sa nagkalat na campaign materials at election paraphernalia sa Metro Manila.

Nagpakalat din si MMDA Chairman Danilo Lim ng 100 street sweeper at miyembro ng clearing group sa mga piliing lugar sa Parañaque, Taguig at Makati, katuwang ang mga pamahalaang lungsod para sa paglilinis.