Ni ANNIE ABAD

CASIGURAN AURORA -- Masayang ipinagmalaki ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang tagumpay ng UNESCO Sports for Peace Children’s Games na ginanap sa Coastal Town Seaside Area kahapon dito.

MASAYANG nakihalubilo si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga batang nakiisa sa ‘Sports for Peace’ para sa Indigenous People na Agta Dumagat sa Casiguran, Aurora. Ang programa ay bahagi ng aktibidad sa isinagawa sa lalawigan para sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Philippine Rie (dating Benham Rise). (PSC PHOTO)

MASAYANG nakihalubilo si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga batang nakiisa sa ‘Sports for Peace’ para sa Indigenous People na Agta Dumagat sa Casiguran, Aurora. Ang programa ay bahagi ng aktibidad sa isinagawa sa lalawigan para sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Philippine Rise (dating Benham Rise). (PSC PHOTO)

Kasabay ng pagpapasinaya sa Philippine Rise sa Dinapague Isabela, tuwa’t saya ang nakamit ng mga kabataan mula sa Anta Dumagat.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kasama ni Ramirez na nangasiwa sa programa si Casiguran Mayor Ricardo Bitong.

“Napakasaya kasi iba yung ngiti ng mga bata. Gaya ng sabi ni President (Duterte) pakainin ang mga atleta pero sabi din niya gusto niya makita na involve ang mga Indigenous People,” pahayag ni Ramirez.

Sinabi ng PSC chief na isa ang mga tribu ng Anta Dumagat sa kanyang naisip na matulungan sa hinaharap sa paghahangad na makatuklas ng bagong talento na maaring maging susunod na Lydia De Vega.

“Not to be biased pero ito yung mga tao na gusto namin talaga matulungan and in fact may nakita akong bata na puwedeng maging Lydia de Vega in the future,” pahayag ni Ramirez “This is to inspire the children to play para maglaro lang habang bata.”

Kabuuang 200 kabataan na may edad 8 hanggang 12 anyos ang lumahok buhat sa 18 barangay dito na nakiisa sa pag lalaro ng mga traditional games gaya ng Karerang Talon, Salon Dagat, Suot Lusot, Karerang Takbo, Mamita Went to Town, Alupihan at Pasahan Tubig.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Bitong dahil sa suporta ng PSC para pasayahon ang mga kabataan.

“Malaking ang pasasalamat namin sa PSC especially to Chairman Ramirez kasi Hindi nabibisita ng mga kinauukulan ang lugar na ito kaya masaya kami dahil nabigyang pansin ang aming lalawigan sa ganitong proyekto,” ayon Kay Bitong.