NAITALA ng Philippine Residents XV, feeder program para sa pagsampa sa Philippine Volcanoes, ang pampataas-morale na 35-22 panalo kontra Guam sa 2018 Austronesian Cup.

IMPRESIBO ang Volcanoes

IMPRESIBO ang Volcanoes

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Residents ngayong 2018 season, sapat para patatagin ang program na nagsimula noong 2016. Ang Residents XV ang koponan na binubuo ng mga dait, kasalukuyan at sumisikat na rugby player sa bansa. is a team of local residents featuring past, present and future Volcanoes. Kabilang sa tinalo ng Pinoy sa international tournament ang Malaysia, Singapore, at team Guam.

“Playing at home is always special, the vibe, the atmosphere and the fans play a huge role in a team’s success” pahayag ni Philippine Volcano Harry Dionson Morris.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinimulan ng Pinoy ang kampanya sa 7-0 may apat na minuto sa pagsisimula ng laro. Umusad pa ang Residents mula sa atake nina Jackson Junior Pato at Robert Amalay Jones.

Umusad sa 14-0 ang Residents bago tuluyang umabate sa 28-12 sa halftime.

“Our team started off very well, played to their structures for the first 30 minutes. Pleasing to score four unanswered tries to begin with. Unfortunately they lost their way a little late in the first half, something we have to improve on moving forward” pahayag ni Chris Everingham, Performance Manager para sa Volcanoes.

“It was good to get the win; our international season has started off well. Credit to Guam, playing three matches in one week and never giving up. They deserved their Division 3 East title win earlier in the week. We are grateful to have matched up well against them on their return home from their Asia Rugby Championships” pahayag ni Jake Letts ng Philippine Rugby.

Nakatakdang sumabak ang Philippine Volcanoes sa Asia Rugby Championships sa June, habang lalaro ang National Women’s Team sa Singapore kontra India at Singapore, habang ang Volcanoes ay makikisagupa sa Singapore para sa dalawang araw na torneo sa Division 1.