Ni NITZ MIRALLES

MAY caption na “Reunited with my daughter on cam at celebrity bluff GMA. I had fun! Saya ng game” ang ipinost na photo ni Jaclyn Jose nang mag-guest sila ni Andi Eigenmann sa Celebrity Bluff.

JACLYN AT ANDI copy

Wala nang kontrata at walang regular show sa ABS-CBN si Andi, kaya libre na siyang mag-guest sa GMA-7. Kung simula na ang Celebrity Bluff sa paglabas ni Andi sa shows ng Kapuso Network, malalaman natin sa mga susunod na araw.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa interview kay Jaclyn sa presscon/launching ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, nilinaw niya ang nasulat after ng presscon ng The Cure na niyaya niyang lumipat sa GMA-7 si Andi.

“Hindi ko niyayang lumipat si Andi, sabi ko lang, magtrabaho siya at kung wala siyang trabaho sa ABS-CBN, sa GMA-7 ka magtrabaho. She needs to work, may anak siya. Masyado kasing focus sa pagiging environmentalist at focus sa paglilinis sa mga dagat,” paliwanag ni Jaclyn.

Kaya, tuwang-tuwa siguro si Jaclyn na napapayag niyang lumuwas ng Maynila si Andi, iwan muna ang Baler at mag-guest sa Celebrity Bluff. Maganda kung ang kasunod nito ay mapanood si Andi na guest sa The Cure dahil magtatampok ng guest stars ang epidemic drama sa susunod na episodes.

Speaking of The Cure, natutuwa si Jaclyn sa feedback ng viewers at umaasang lalaki pa ang viewership nila.

“Malaki ang soap, ang hirap gawin. Pagod kaming lahat sa taping lalo ngayong mainit. May isang taping day na tumaas ang BP ko dahil sa init, pero mabilis din namang naging normal. We are doing our best na mas mapaganda pa ang bawat episode. Tulung-tulong naman kami sa pangunguna ni director Mark Reyes,” sabi ni Jaclyn.

Mas interesting na ang story dahil kumalat na ang monkey virus disease (MVD) at pati daga, carrier na. Nakakatakot na ang story, nag-i-escalate ang excitement na may kasamang takot at kaba sa paghihintay kung sino ang susunod na mabibiktima.