NAKATUON ang pansin ng NCAA sa 3x3 basketball bilang bahagi ng programa ng liga sa hinaharap.

Ayon kay NCAA president Anthony Tamayo ng 94th NCAA host Perpetual Help, maraming umaayuda sa Policy Board at Management Committee na bigyan pansin at maisama bilang regular sports ang sumisikat na event.

“For Season 94, 3x3 basketball will be played as a special event,” sambit ni Tamayo. “We will tackle it in the next meeting and hopefully it will be included as regular event in the future because we feel 3x3 basketball is one sport Filipinos are good at.”

Ito ang ikalawang sunod na taon na isasagawa ang 3x3 basketball sa NCAA matapos ganapin ang under-14 at under-16 sa nakalipas na taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa regular basketball, malaking bilang ng basketball enthusiast ang naglalaro sa 3x3 bunsod nang matagumpay na hosting sa international tournament, kabilang ang FIBA 3x3 World Cup sa Hunyo sa Phl Arena sa Bulacan.

Maging sa Palarong Pambansa, ang taunang multi-sports event para sa estudyante sa elementary at high school student, ay nilalaro na rin ang naturang disiplina.

Gayundin, ang pagkakasama ng 3x3 bilang Olympic sport ay nagdagdag sa interest ng Pinoy sa sports.

At handa ang NCAA sa hangaring mapaunlad ang 3x3 basketball para sa Pilipino.

“The NCAA has always supported the country’s national sports programs by lending our athletes to represent the country in the past and we will continue to do that for flag and country,” sambit ni Tamayo.

Magbubukas ang NCAA sa Hulyo 7 sa MOA Arena sa Pasay City kung saan magtutuos ang defending champion San Beda at host Perpetual Help sa main game ganap na 2 ng hapon.