Ni Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Ipinatigil na ng lokal na pamahalaan ng Baler ang operasyon ng treasure hunting sa Sitio Ilaya, Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa kautusan ng Department of Environment & Natural Resources (DENR) na nagsabing may mga paglabag sa batas ang isinasagawang treasure hunting activity sa lugar.

Sa loob ng 20 taong operasyon, nabisto ng pamahalaan ng Baler at DENR na ilegal ang nasabing paghuhukay na pinangangasiwaan umano ng isang Australian at isang Pinoy.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang magtungo ang mga tauhan ng munisipyo at DENR sa lugar, kaagad nilang kinumpiska ang isang backhoe at chainsaw na pinaniniwalaang ginagamit sa nasabing ilegal na paghuhukay.