KUNG may nalalabi pang agam-agam sa katatagan ng Smart Candy, panahon na para magpalit ng desisyon.

RATSADA ang Smart Candy, sakay si jockey Kevin Abobo, sa mga karibal sa first leg ng Philracom Triple Crown series nitong linggo sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Naisalba ng pambato ng SC Stockfarm ang hamon ng mga karibal na Victorious Colt at Wonderland.

RATSADA ang Smart Candy, sakay si jockey Kevin Abobo, sa mga karibal sa first leg ng Philracom Triple Crown series nitong linggo sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Naisalba ng pambato ng SC Stockfarm ang hamon ng mga karibal na Victorious Colt at Wonderland.

Pinatunayan ng pambato ng SC Stockfarm ang kahandaan na pinatibay nang dalawang panalo sa kaagahan ng taon, nang angkinin ang 1st leg ng pamosong Triple Crown Series ng Philippine Racing Commission sa dinumog na San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagparamdam ng hamon sa 3-year-old filly, nagwagi sa ikalawa at ikatlong leg ng Philracom’s 3YO Stakes Race series nitong Marso at April, ang Victorious Colt at Wonderland, na kapwa kumain ng alikabok sa kabuuan ng 1,600-meter race.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“Buti naman nakaraos, medyo nahirapan kasi siya sa harapan, nalusutan naman niya ‘yung pressure ng kalaban,” pahayag ni jockey Kevin Abobo, patungkol sa maagang aksiyon na ibinigay ng Speedmatic.

Sa kalagitnaan ng ratsadahan, sumama ang Victorious Colt at Wonderland, ngunit nagawang maisalba ng Smart Candy ang hamon ng mga karibal sa pagsagitsit sa huling 300 meters para sa panalo.

Kumabig ng P1.8 milyon premyo ang SC Stockfarm na pagmamay-ari ni Oliver Velasquez, nag-alaga rin sa pamosong Sepfourteen, kumana ng ‘three-peat’ sa Triple Crown sa nakalipas na taon.

“Naghintay na lang ako hanggang sa diretso sa last 300, doon kinuha ko na. At least naka-first leg na kami. Hopefully, ‘yung second and third legs, sana makuha namin,” sambit ni Abobo, gumabay din sa tagumpay ng Sepfourteen.

Sa 11 Triple Crown champion, huling nakagawa ng tagumpay bago si Sepfourteen ang Kid Molave noong 2014.

Pangalawa ang Victorious Colt,sakay si jockey OP Cortez, sa premyong P675,000 para sa may-ari na si Jose Antonio Zialcita, habang ang coupled entries Wonderland (FM Racquel Jr.) at Speedmatic (Pat Dilema), ang bumuntot sa ikatlo at ikaapat.

Sa P1-Million Hopeful Stakes Race, nangibbaw ang Goldsmith, sakay si jockey RG Fernandez laban sa Disyembreasais (jockey JB Cordova, owner Alfredo Santos) at Hamlet (JB Hernandez, Leonardo Javier Jr).